Active cases ng COVID-19 sa Pampanga, nag-triple sa nakalipas lamang ng 10 araw

Active cases ng COVID-19 sa Pampanga, nag-triple sa nakalipas lamang ng 10 araw

NAGING triple ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsiya ng Pampanga na nagsimula lamang sa 11 noong April 13 ayon sa pamahalaan nito.

Tumaas sa 33 ang bilang ng active infection sa Pampanga ayon sa pinakahuling datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit.

Ang capital city na San Fernando ang may pinakamaraming aktibong kaso na nasa 18 na sinundan ng Lubao at Mexico na may tag-3 kaso.

Ang Guagua naman ay mayroong 2 active cases, habang ang Magalang, Floridablanca, Porac, Arayat, Candaba, Santa Ata, at San Simon ay mayroong tag-iisa.

Nakapagtala na ang Pampanga ng 62,744 na kaso ng COVID-19 nang magsimula ang pandemya noong 2020 at sa bilang na ito, 60,013 ang nakarekober habang 2,698 naman ang mga namatay.

Follow SMNI NEWS in Twitter