“Acute alcohol poisoning”, ikinamatay ng Korean singer na si Park Bo Ram

“Acute alcohol poisoning”, ikinamatay ng Korean singer na si Park Bo Ram

ACUTE alcohol poisoning ang ikinamatay ng Korean singer na si Park Bo Ram.

Batay ito sa nakuhang autopsy result ng Namyang Police Department mula sa National Forensic Service ng Seoul, South Korea.

Nakita rin nito na mayroong health concerns na nararanasan ang singer gaya ng fatty liver disease at liver lesions.

Abril 11 nang matagpuan si Bo Ram na walang malay sa bahay ng kaniyang kaibigan.

Dinala ang singer sa ospital subalit namatay na rin ito kalaunan.

2014 nang mag-debut siya sa kantang “Beautiful”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble