Libu-libong raliyista nakiisa sa ika-7 araw ng Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally

Libu-libong raliyista nakiisa sa ika-7 araw ng Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally

DUMAGSA ang libu-libong raliyista sa ika-7 araw ng Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio, Maynila na dala-dala ang pag-asa na makamit ang tunay na Bagong Pilipinas.

Walang pagod at punong-puno pa rin ng pag-asa ang mga tao na dumalo sa prayer rally at walang tigil na sumisigaw ng hustisya para sa bayan at marinig ng gobyerno ang kanilang mga hinaing na magkaroon ng tunay na pagbabago sa bansa.

Hinahangad ng lahat ang tagumpay, hindi alintana ang pagod, mga sakripisyo, at handang ialay ang kanilang mga buhay para sa inaasam na katarungan, kapayapaan at mabuting pamumuno.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble