AFP Chief, ipagbibigay-alam sa DND ang naranasang pangha-harass sa Ayungin Shoal

AFP Chief, ipagbibigay-alam sa DND ang naranasang pangha-harass sa Ayungin Shoal

IUULAT ni AFP chief of staff General Romeo Brawner Jr. kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang panibagong insidente ng pangha-harass ng Chinese Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Pilipinas.

Ito ay matapos ang resupply mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong weekend.

Sinabi ni Brawner na nakasakay siya sa Unaizah Mae 1 (UM1) nang ginamitan ito ng water cannon ng CCG at tinangkang banggain.

Ayon sa Chief of Staff ng AFP, personal niyang naranasan ang pinagdadaanan ng mga sundalo sa resupply mission sa Ayungin Shoal.

Tiniyak ni Brawner na hindi nila pababayaan ang kapakanan ng mga sundalo na patuloy na tinutupad ang kanilang tungkulin sa kabila ng pangha-harass ng CCG.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble