IPINAG-utos mismo ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Romeo Brawner sa mga tauhan nito ang pagtugis sa mga sinasabing teroristang suspek sa pambobomba sa loob ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City.
Tugon ito ng militar kasunod ng pakikipagkita nito kay Bangsamoro Chief Minister Ahod Ebrahim at sa ilang matataas na opisyal ng PNP sa 103rd Infantry Brigade sa Mindanao.
Ani Brawner, gagawin nila ang lahat para sa mabilis na pagresolba sa insidenteng ito.
Nauna nang napag-alaman na mayroong foreign terrorist na sangkot diumano sa nasabing Marawi blast.
Pareho namang nangako ang AFP at PNP na mahuli agad ang mga suspek sa lalong madaling panahon.