PINAPAALERTO si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief-of-staff Gen. Cirilito Sobejana sa mga lokal na opisyal at mamamayan laban sa mga terorista Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Ito ay matapos makasagupa ng mga sundalo ang pangkat ng sa bayan ng Datu Paglas sa Maguindanao.
Ayon kay Sobejana, maging mapagmatyag dahil hindi pa rin nawawala ang banta ng kaligtasan na dala ng mga terorista.
Kinumpirma naman ni Joint Task Force Central Spokesperson Lt. Col. John Baldomar na walang nasaktan o nasawi sa naganap na insidente at matagumpay nilang na-deactivate ang itinanim na pampasabog malapit sa palengke at sa gilid ng national highway.
Kontrolado na rin sa ngayon ang sitwasyon sa Datu Paglas sa Maguindanao makaraang mapigilan ang paglusob ng mga miyembro ng BIFF.
Matatandaan noong Mayo 2017 na ang grupo ng BIFF ay posibleng lumahok sa Labanan ng Marawi. Ito ay ayon sa militar ng Pilipinas na ang mga teroristang BIFF ay kabilang sa mga Jihadista sa lungsod.
Ayon din kay National Defense Sec. Delfin Lorenzana si noong Hunyo 2017 mayroong 40 na mga teroristang BIFF ang sumali sa laban.
Ayon din sa iba pang ulat, na ang pangkat ay hindi lamang nag-ambag ng mga mandirigma sa labanan, ngunit nagbigay din ng ” logistical support” sa mga puwersang ISIL na kinubkob sa Marawi.
Ngunit itinanggi naman ito ng grupo na naging bahagi sila sa nangyaring bakbakan sa Marawi.