Bombmaker ng BIFF, sumuko na sa militar sa North Cotabato

SUMUKO na ang isang tumiwalag na bombmaker ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na nakabase sa Maguindanao sa 34th Infantry Battalion (34IB) sa Midsayap, North Cotabato.

(BASAHIN: 6 miyembro ng pribadong armadong grupo, sumuko sa mga pulis sa Maguindanao)

Ayon kay Lt. Col. Edgardo Vilchez Jr., kinilala ang BIFF bombmaker na si Tong Dubpalig, isang bomb expert sa ilalim ng Kagi Karialan faction na boluntaryong sumurender kasama ng kanyang .50 caliber Barrett sniper rifle kahapon, Marso 14.

“Aside from being a bombmaker, Dubpalig also works as a sniper for the terror group,” ayon kay Vilchez.

Sinabi rin ni Brig. Gen. Roberto Capulong, kumander ng 602nd Infantry Brigade, kasabwat si Dubpalig sa mga sunod-sunod na bombing incidents sa mga probinsiya ng Maguindanao at North Cotabato sa nakaraang mga taon.

“The surrenderer was a former follower of the late Mando Mamalumpong, the spokesperson of the BIFF-Karialan faction who was neutralized by government forces in a clash at Midsayap, North Cotabato in 2019,” ayon kay Capulong.

 

SMNI NEWS