AFP, magiging handa nang depensahan ang bansa sa loob ng 3-5 taon

AFP, magiging handa nang depensahan ang bansa sa loob ng 3-5 taon

GANAP nang magiging handa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na depensahan ang bansa sa susunod na 3 o 5 taon.

Ito ang paniniwala ni Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez dahil sa patuloy nitong pagsasamoderno.

Ilan sa mga modern military equipment na target mabili ng pamahalaan ay ang karagdagang Black Hawk choppers.

Bibili rin ang bansa ng attack helicopters at heavy lift helicopters mula Turkiye.

Ilang water assets din gaya ng coast guard cutters mula Japan ay binibili na rin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter