AFP, nagdeploy ng karagdagang puwersa sa Negros Oriental

AFP, nagdeploy ng karagdagang puwersa sa Negros Oriental

SINIMULAN na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagdedeploy ng karagdagang tauhan sa Negros Oriental.

Ito ay kasunod ng send-off ceremony sa Brgy. Salag, Siaton, Negros Oriental.

Ayon kay Lieutenant General Benedict  Arevalo, commander ng AFP Visayas Command (VisCom), binubuo ang tropa ng gobyerno mula sa 6 na batalyon ng 11th Infantry Battalion, 94th Infantry Battalion, 79th Infantry Battalion, 62nd Infantry Battalion, 15th Infantry Battalion, at 47th Infantry Battalion.

Idedeploy aniya ang mga sundalo ng 3rd at 2nd districts ng Negros Oriental upang tumulong sa Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng joint law enforcement operations upang mahuli ang nalalabing suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at 8 iba pa.

Alinsunod ito sa kautusan nina Defense OIC Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. at AFP Chief of Staff General Andres Centino upang sugpuin ang lawlessness at impunity, at ibalik ang peace and order situation sa lugar.

Naniniwala si Lieutenant General Arevalo na sa nasabing hakbang ay lulutang ang mga posibleng testigo sa pagpatay sa gobernador at iba pang insidente ng karahasan sa lalawigan.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter