AFP, naghatid ng relief goods sa mga biktima ng bagyo sa Northern Luzon

AFP, naghatid ng relief goods sa mga biktima ng bagyo sa Northern Luzon

TUMULONG ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensya sa pamamahagi ng relief goods sa mga residenteng naapektuhan ng Bagyong Neneng at Maymay sa Northern Luzon.

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Colonel Jorry Baclor, kabuuang 370 DSWD food packs ang ipinamahagi ng 77th Infantry Battalion at iba pang ahensya sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo sa Barangay Alba, San Miguel, at Taytay Baggao, Cagayan kahapon.

Tumulong din ang mga reservist volunteer ng 201st Cagayan Community Defense Center sa pagdadala ng food packs sa Aparri.

Habang nagsagawa ng rescue operations ang Marine Battalion Landing Team 10 sa Santa Ana, Cagayan, kung saan 38 indibidwal ang ligtas na naihatid sa evacuation center.

Una nang nabigyan ng tulong ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at 17th Infantry Battalion ang nasa 159 pamilya na naapektuhan ng bagyo mula sa tatlong barangay sa Allacapan, Cagayan.

 

 

Follow SMNI News on Twitter