Ayuda para sa maapektuhan ng Bagyong Maymay, inihahanda na ng DSWD Region 1

Ayuda para sa maapektuhan ng Bagyong Maymay, inihahanda na ng DSWD Region 1

TULUY-tuloy ang ginagawang paghahanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1 para sa mga pamilyang maapektuhan ng Bagyong Maymay.

Handa na ang mga tulong na ipamamahagi nito sa mga mabibiktima ng bagyo, tulad ng higit 47,000 food at non-food items.

Ang nasabing ayuda ay naka-pre-position na sa 14 na DSWD Field Office 1 ng Regional at Satellite Warehouses.

Mayroon ding P8 milyon standby funds na magmumula sa quick response fund ng ahensya.

Follow SMNI NEWS in Twitter