NAKAKUHA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng aabot sa 75% na trust rating mula sa ginawang survey ng OCTA Research kamakailan.
Ayon sa tagapagsalita ng AFP na si Col. Francel Margareth Padilla, ang resulta ng nasabing survey ay patunay na patuloy ang tiwala ng mga Pilipino sa dedikasyon ng AFP pagdating sa pagbibigay ng seguridad sa bansa.
Maliban dito, ipinakita rin sa survey ang pagsang-ayon ng publiko sa pagganap ng AFP sa kanilang tungkulin nitong nakalipas na apat na kwarter ng taong 2024, na nagtatampok ng papel ng institusyon sa pagpapalaganap ng kapayapaan at katatagan sa gitna ng mga nagbabagong hamon sa seguridad.
Sa huli, ipinapaabot ng AFP ang kanilang pasasalamat sa matatag na tiwala at suporta ng mga Pilipino.
Dahil dito, sinabi ni Padilla na mas patitibayin pa ng AFP ang kanilang determinasyon na magsilbi ng may integridad, propesyonalismo, at hindi matitinag na dedikasyon sa bansa.
Follow SMNI News on Rumble