UMABOT na sa 1,583 ang bilang ng mga aftershock na naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) matapos ang magnitude 7.4 na lindol sa karagatang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur.
As of 5 am, Lunes ng umaga, sa naturang bilang ayon sa PHIVOLCS ay mahigit 300 ang plotted habang 18 rito ay naramdaman.
Dagdag pa ng PHIVOLCS, nasa pagitan ng 1.4 hanggang 6.6 ang magnitude range ng mga aftershock.
Samantala kaninang alas 3:49 ng umaga, isang magnitude 6.8 na lindol ang yumanig sa Surigao del Sur.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 67km hilagang-silangan (NE) ng Cagwait Surigao del Sur.
Naramdaman ang
Intensity V – Cagwait, Surigao del Sur Intensity IV – Tarragona, Davao Oriental; City of Tandag, Surigao del Sur Intensity III – City of Iligan; City Of Cagayan De Oro; Banaybanay, Lupon, at City of Mati, Davao Oriental.