Agarang paghinto sa Israel-Hamas war, ipapanawagan sa Kamara

Agarang paghinto sa Israel-Hamas war, ipapanawagan sa Kamara

IPAPANAWAGAN ni Basilan Rep. Mujiv Hataman sa Kamara ang agarang pagpapahinto sa Israel-Hamas conflict.

Nakatakdang maghain ng House Resolution si Hataman para opisyal na ipanawagan ang paghinto ng giyera kasabay ng panawagan sa mga kasamahan niyang kongresista na suportahan ito.

Diin ni Hataman, maraming nadadamay na sibilyan sa digmaan pati na mga matatanda at bata.

Kaya sana aniya ay ihinto na ito sa lalong madaling panahon.

Naniniwala naman si Hataman na ang pinagsamang boses nila sa Kamara ay kayang humimok sa mga kaalyadong bansa pati na ang ating pamahalaan na gumawa ng pamahalaan para matigil na ang kaguluhan.

“The United Nations estimates the death toll at 4,300 Israelis and Palestinians since the conflict reignited last Oct. 7. Nakakapangilabot at nakakapanghina ang mga video na nakikita natin sa balita at social media, lalo na kung ang mga biktima ay mga bata at matatanda,” ani Hataman.

Kabilang din sa ipapanawagan ni Hataman na huwag pigilan ang pagpunta ng international humanitarian agencies sa war zone lalo na sa Gaza para tulungan ang mga nadadamay sa gulo.

Follow SMNI NEWS on Twitter