Agawan ng teritoryo sa NAIA pinalulutang ni Sen. Tulfo

Agawan ng teritoryo sa NAIA pinalulutang ni Sen. Tulfo

SA kabila ng umano’y human smuggling sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay pinalulutang ni Senator Raffy Tulfo ang posibleng agawan ng teritoryo sa pagitan ng mga kinauukulang ahensiya doon.

Ipinunto ni Tulfo na hindi nasusunod ang tamang proseso bago ang pagpapalipad ng eroplano kaugnay sa smuggling incident dahil posibleng may nababayaran.

Sa imbestigasyon ng Senado ay kinuwestiyon ni Tulfo ang ginawang pagkonsulta ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Acting Intelligence and Investigation Division chief Dionisio Robles sa isa pang tao, gayung tinawagan na ito ni Police Colonel Roderick Campo, hepe ng National Capital Region Aviation Security Unit upang pahintuin ang pinagdududahang flight.

Ang mga awtoridad sa NAIA na nabanggit ni Tulfo ay hindi nakasagot sa kaniyang mga katanungan sa pagdinig.

 

Follow SMNI NEWS in Instagram