KINIKILALA ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) ang umiiral na discrimination at social isolation na nararanasan ng mga nakatatanda sa lipunan.
Pangunahing tugon ng NCSC ang pagtatatag ng community-based care centers na may programang social prescribing upang maibalik ang dignidad at papel ng mga senior citizen sa lipunan.
Ayon kay NCSC Chairperson Dr. Mary Jean Loreche, mahalaga ang patuloy na partisipasyon ng mga nakatatanda sa ekonomiya at ang kanilang pagsama sa tinatawag na “economic revolution.”
Nag-ugat ito sa mga isyung kinahaharap ng mga senior citizen, gaya ng diskriminasyon batay sa edad at kakulangan ng oportunidad sa trabaho at pakikilahok.
Kaugnay nito, binibigyang-priyoridad ng NCSC ang pagbibigay ng kabuhayan sa mga senior citizen, katuwang ang DOT, TESDA, at pribadong sektor.