IBINAHAGI ng aktres at komedyante na si Ai-Ai delas Alas ang kaniyang trabaho bilang activity director sa isang elderly facility sa San Francisco, California, USA.
Sa isang interview, ipinasilip nito ang kaniyang workplace at ipinakita rin niya ang kaniyang mga katrabaho at mga kasama.
Ayon kay Ai-Ai, bilang activity director, responsibilidad ng comedienne ang mag-isip ng mga aktibidad para sa elderly residents sa facility.
Samantala, nakatakda siyang bumalik sa Pilipinas sa Agosto.