NEPPO, inilunsad ang 28th Police Community Relations Month

NEPPO, inilunsad ang 28th Police Community Relations Month

INILUNSAD ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) ang isang buwang pagdiriwang ng 28th Police Community Relations (PCR) Month na ginanap sa NEPPO Gym, Cabanatuan City.

Ayon kay PMaj. Nelson Sarmiento, Chief, Police Community Affairs and Development Unit (PCADU), pinangunahan ni NEPPO Director PCol. Richard V. Caballero, ang police community relations activities na sinimulan nitong Hulyo 3 at magtatapos sa Hulyo 27, 2023 kasabay ng pagbibigay ng award sa mga PCR personnel ng bawat station.

 “Ang Nueva Ecija Police Provincial Office sa pangunguna ng aming Provincial Director, PCol. Richard V. Caballero ay nangunguna sa mga aktibidades na gaganapin sa buwan ng Hulyo, kung saan ipinagdiriwang natin ang (ika) 28th police community relation (s) na may temang, “Serbisyong Nagkakaisa para sa Ligtas at Maunlad na Pamayanan”. Ang kapulisan po ng Nueva Ecija Police Provincial Office ay meron pong aktibidades sa buwan ng July,” ayon kay PMaj. Nelson Sarmiento, Chief, PCADU.

Kabilang sa mga nakalinyang aktibidad ng NEPPO sa mga susunod na araw ang bloodletting, feeding program sa Gabaldon, Nueva Ecija, drug abuse prevention and education symposium para sa mga estudyante ng Nueva Ecija High School (NEHS), tree planting activity, tatlong gift program para sa mga kapus-palad nating kababayan, zumba for a cause, at awarding ceremonies sa Hulyo 27.

Samantala, inaasahan nina Sarmiento na ang mga PCR activities ay magreresulta ng patuloy na kapayapaan at kaayusan sa probinsiya ng Nueva Ecija.

“Inaasahan po ng kapulisan ng Nueva Ecija na ang magiging resulta ng mga activities na aming gagawin during (the) 28th Police Community Relation Month celebration ay ang patuloy na kapayapaan at katahimikan dito sa probinsiya ng Nueva Ecija” ani PMaj. Sarmiento.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter