INANUNSIYO ng AirAsia Philippines ang pagbaba sa fuel surcharge cost sa level 6 mula level 7 kasunod ng kautusan ng Civil Aeronautics Board (CAB).
Sinabi ni AirAsia Philippines Communications at Public Affairs Head Steve Dailisan na sa harap na rin ito ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong papalapit ang Semana Santa at ang summer.
Ibig sabihin ayon pa kay Dailisan sa buwan ng Abril, ito ang panahon na maraming nagbibiyahe dahil sa iba’t ibang mga aktibidad sa buwan ng Abril bukod sa Semana Santa ay simula na rin ito ng mga piyesta sa mga probinsiya habang spring time naman sa ibang bansa.
Kasabay ng pagbaba ng fuel surcharge cost ngayong buwan ng Abril ay magpapatuloy naman ang iniaalok na piso kada one way base fare ng AirAsia Philippines.
Mula March 13 – 19, ang mga pasahero ay maaring mag enjoy ng pisong pamasahe sa lahat ng domestic destination ng AirAsia Philippines.
Habang ang travel period ay mula September 4, 2023 hanggang August 13, 2024.
Sa pamamagitan ng AirAsia super app, madaling maka-avail sa mga naturang promo.