AirAsia, may babala sa paulit-ulit na pag-share ng lumang post sa socmed hinggil sa bagahe ng mga sundalo

AirAsia, may babala sa paulit-ulit na pag-share ng lumang post sa socmed hinggil sa bagahe ng mga sundalo

AMINADO ang AirAsia Philippines na umaani sila ng maraming bashing na nakasisira ng reputasyon ng airline, bunga ng paulit-ulit na pagpo-post o pag-share ng mga lumang post sa social media hingil sa labis na timbang ng mga bagahe ng mga sundalo patungong Mindanao. Paliwanag ng AirAsia, 2017 pa ang isyu at sa parehong taon agad itong naresolba.

Binasag na ng AirAsia Ph ang katahimikan nito matapos paulit-ulit na makikita sa post sa social media ang matagal nang larawan na post ng isang concern citizen na kapwa pasahero ang mga sundalo.

Ang naturang post ay taong 2017 pa at muling binuhay sa pamamagitan ng paulit-ulit na share sa social media.

Sa panayam kay AirAsia Philippines Communications and Public Affairs Head and First Officer Steve Dailisan, aminado ito na umani ng maraming batikos ang naturang airline dahil sa maling impormasyon na ipinakalat ng sinumang indibidwal sa social media.

Taong 2017 nang mag-post ang isang concern passenger sa isang social media matapos maantig ang kaniyang puso sa tatlong sundalong nag-check-in sa counter ng AirAsia Philippines.

Sa kaniyang post, sinabi niya na dahil nasa kaniyang harapan ang mga sundalo habang nag-check in, nakita niya lumabis ng 7kgs ang mga sundalo sa kanilang mga bagahe bagay na hindi pinaboran ng airline personnel na i-libre.

Ang mga naturang sundalo ay patungo sa isang giyera sa Marawi noong panahon na iyon.

Ngunit dahil sa kahabagan ng pasahero na nag-post sa social media, nagtangka siyang kausapin ang supervisor para paboran ang mga sundalo sa kanilang excess baggage gayong ang layunin ng mga ito ay itinataya ang kanilang buhay para sa  seguridad,  kapayapaan, at kalayaan ng Pilipinas.

Ngunit mismo ang mga pasahero ang nag ambag-ambag ng kanilang mga extra kilos na ibinahagi sa mga sundalo hanggang sa umabot ito ng 7 kilos.

Hanggang ngayon ayon pa kay Dailisan patuloy ang kanilang partnership sa Philippine Air Force.

Samantala, paalala naman ni Dailisan sa mga mahilig mag-post sa social media na maging responsable dahil may karampatang parusa sa mga nagpo-post ng fake news online.

At nakatutok na rin ang kanilang legal team para panagutin ang sinumang indibidwal na lumabag hinggil sa cyber law na umiiral sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble