AirAsia sinagot ang airfare ng 2 miyembro ng PH Junior Weightlifting Team sa Uzbekistan

AirAsia sinagot ang airfare ng 2 miyembro ng PH Junior Weightlifting Team sa Uzbekistan

SINAGOT ng AirAsia Philippines ang airfare ng 2 miyembro ng Philippine Junior Weightlifting Team mula sa mga lugar na sila ay nagsasanay hanggang patungong Uzbekistan.

Inihayag ng AirAsia Ph. na noong Hulyo 2 si Angeline Colonia, 16, at 15-anyos na si Rosalinda Faustino, kasama ang kanilang coach na si Gregorio Colonia, ay lumipad patungong Manila mula sa Zamboanga City sa pamamagitan ng naturang airlines.

Ito ay bilang paghahanda para sa 2022 Asian Juniors and Youth Weightlifting Championship sa Uzbekistan na magaganap mula Hulyo 15-25.

Ang Filipino All Stars sa pangunguna ni AirAsia Philippines Chief Executive Officer Ricky Isla ay nagbigay sa kanila ng mainit na pagtanggap at isang masayang pagpapaalam sa kanilang pagbisita kamakailan sa RedPoint Headquarters sa Manila.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na lalahok ang mga kabataang Pilipina na atleta sa isang internasyonal na kompetisyon.

Sasali si Colonia sa Women’s 40kg event habang si Faustino ay aangat ng 9kgs na mas mataas sa Women’s 49kg event.

Sila ay lalaban kasama ang 400 at iba pang mga atleta mula sa 25 bansa.

Ang Uzbekistan championship din ang magsisilbing tune up competition nila para sa 2023 SEA Games sa Cambodia.

Follow SMNI NEWS in Twitter