PANALO ang Akari Chargers kontra Farm Fresh Foxies sa naging qualifying game nila nitong Marso 4, 2025, sa iskor na 25-11, 23-25, 18-25, 25-21, 15-9.
Para sa Chargers, nagbigay ng 22 points si Ivy Lacsina; 14 points mula kay Eli Soyud; Grethcel Soltones na may 11 points; at 10 points mula kay Camille Victoria.
Si Faith Nisperos ay may ambag din na 8 points; tig-5 points mula kina Ced Domingo at Michelle Cobb; at 4 points mula kay Ezra Madrigal.
Sa sumunod na game, panalo naman ang PLDT High Speed Hitters kontra ZUS Thunderbelles sa iskor na 20-25, 25-20, 25-20, 26-24.
Si Savi Davison ng PLDT ay may ambag na 34 points; Erika Santos na may 13 points; 7 points mula kay Majoy Baron; tig-5 points mula kina Kiesha Bedonia at Kim Fajardo; at 4 points mula kay Dell Palomata.
Ang quarterfinals ng 2024-2025 PVL All-Filipino Conference ay sa Marso 15, at ang anim na siguradong pasok dito ay ang Creamline Cool Smashers, Akari Chargers, Galeries Tower Highrisers, Petro Gazz Angels, PLDT at Choco Mucho Flying Titans.
Ang natitirang anim na teams ay sasabak sa play-in round para makuha ang dalawang natitirang quarterfinals slots.
Follow SMNI News on Rumble