KINUMPIRMA ng Tagaytay Philippine National Police (PNP) na nailigtas nila ang aktres na si Ana Jalandoni.
Ito ay matapos siyang diumano’y ikulong at saktan ng aktor at boyfriend na si Kit Thompson sa isang hotel sa Tagaytay.
Sugatan ang aktres na si Ana Jalandoni at ginagamot na sa ospital.
Dinala naman sa police station si Thompson upang kwestyunin.
Naalerto ang mga otoridad matapos humingi ng tulong si Jalandoni sa kanyang mga kaibigan kung saan nagpadala rin ito ng kanyang larawan na may mga pinsala sa mukha.
Matatandaan na nitong 2020 ay inanunsyo ni Thompson ang relasyon niya kay Jalandoni.