PANALO ang Alas Pilipinas sa unang game nito sa AVC Challenger Cup nitong Mayo 23, 2024.
Sa pamamagitan ito ng 22-25, 25-19, 25-16, 25-21 na score kontra Australia.
Nanguna sa panalo ang setter at team leader nito na si Jia Morado.
Kasama niya rin dito sina Angel Canino at Eya Laure na may tig-17 points at 15 attacks; at Sisi Rondina na may 16 points.