Alcaraz at Raducanu ng tennis, excited na para sa 2023

Alcaraz at Raducanu ng tennis, excited na para sa 2023

PAREHONG excited nang makabalik sa tennis sa 2023 sina US Open Champions Carlo Alcaraz ng Spain at Emma Raducanu ng Great Britain.

Ito’y dahil napaaga ang pagtatapos ng kanilang mga paglalaro ngayong taon dahil sa injury.

Si Alcaraz, nagkaroon ng abdominal muscle tear kaya hindi na ito nagpatuloy sa Paris Masters Quarterfinals noong Nobyembre.

Si Raducanu naman ay nagkaroon ng wrist injury kaya hindi na ito sumali sa Transylvania Open sa Romania noong Oktubre.

Follow SMNI NEWS in Twitter