NILISAN na ni Alex Cabagnot ang Converge Fiberxers dahil magiging kabahagi na sya sa coaching staff ng University of the East sa UAAP.
Inanunsyo ito ng Converge Fiberxers noong Lunes, February 24, 2025.
Nilinaw lang ni Cabagnot na hindi pa sya magreretiro bilang basketball player.
Dahil magiging kabahagi na nga sya sa coaching staff ng ue ay makakasama ni Cabagnot ang kanyang kapwa PBA star na si KG Canaleta at si Coach Chris Gavina.