Aktres na si Meg Imperial, sumabak sa isang Asia-Pacific Professional Padel Competition

Aktres na si Meg Imperial, sumabak sa isang Asia-Pacific Professional Padel Competition

‘ON the go’ palagi sa iba’t ibang bagay ang aktres na si Meg Imperial.

Halimbawa na rito ang pagsabak nya sa Manila Leg ng Asia-Pacific Professional Padel tour noong february 21 hanggang 23, 2025 sa mandaluyong city.

Sa isang social media post, nilinaw ni meg na hindi nya goal at ng kanyang partner sa padel ang manalo sa naturang sports competition.

Tanging gusto nila ang karanasan, ang hamon at ang pagkakataong subukin ang kanilang sarili bilang isang team.

Ang larong padel ay isang uri ng racket sports na pinaghalong tennis at squash.

Karaniwan itong nilalaro sa isang enclosed court.

Samantala, maliban sa padel ay nasubukan na rin ni Meg ang rock climbing at mountaineering.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble