MAKATATANGGAP ng parangal ang ilang sikat na Pinoy athletes sa gaganaping Siklab Youth Sports Awards mamayang gabi, Disyembre 4, 2023.
Ilan sa mga ito sina Pinay tennis player Alex Eala; pole vaulter EJ Obiena; muay thai player Alyssa Kylie Mallari; weightlifter Prince delos Santos; gymnast Karl Eldrew Yulo; triathletes Kira Ellis at Matthew Hermosa.
Kasama rin sa pararangalan sina Gennah Malapit ng athletics; Ronel Suyom ng boxing; Rianne Malixi ng golf; Charlie Manzano at Breana Labadan ng gymnastics; Santino Luzuriaga ng jiu-jitsu; at Bianca Bustamante ng motor sports.
Mabibigyan din ng parangal ang para swimmer na si Ariel Alegarbes.
Gaganapin ang event sa Market! Market! Activity Center, Taguig City.