MAGLALARO si Alex Eala sa first round ng Mutua Madrid Open sa Spain bilang isang wild card.
Makakalaban nito si Wimbledon Semifinalist Tatjana Maria ng Germany sa isang rematch ngayong linggo.
Matatandaang nitong January 2023 sa Thailand Open ay natalo na ni Maria si Eala.
Ang naturang laro ayon kay Eala ay napakalaki at napakagandang experience para sa kaniya lalo na’t isang Grand Slam Semifinalist ang German tennis player.