NANINIWALA na marami pang dapat gawin at pagsikapan para makamit ang ganap na tagumpay ayon kay Alex Eala.
Ito’y sa kabila ng kaniyang pagiging 3-time Junior Grand Slam titlist.
Aniya, marami siyang naririnig na mga tao na sinasabing isa siyang inspirasyon subalit masasabi pa niya sa kaniyang sarili na pino-proseso pa niya ang lahat para mas maging mahusay sa larangan ng tennis.
Nagsimula maglaro ng tennis ang 18-anyos na si Eala noong ito ay 4-anyos pa lang.
Sa ngayon ay nasa rank no. 228 na sa Women’s Tennis Association (WTA) ang Pinay tennis player.