PASOK sa second round ng W60 Nantes singles 2023 Tennis Tournament ang Pinay tennis player na si Alex Eala.
Kasunod ito nang maipanalo niya ang laban kontra Amandine Hesse ng France sa iskor na 6-3 at 6-2.
Target ngayon ni Eala na makuha ang kaniyang kauna-unahang ITF crown para sa singles category.
Noong Lunes, Oktubre 30 ay nag-exit na sa W60 Nantes doubles si Eala at kaniyang Indonesian partner matapos natalo ng Russian duos.