TARGET ni US Open Juniors Grand Slam Champion Alex Eala na irepresenta ang Pilipinas para sa 2024 Summer Olympics sa Paris.
Aniya, kung papayagan batay sa kanyang rankings, hindi siya mag-aatubiling dalhin ang bandila ng Pilipinas sa nasabing international event.
Paliwanag pa nito, layunin niya talagang magdala ng karangalan para sa bansa lalo na sa international scale.
Matapos nag-champion si Eala sa US Open Girls’ Singles Title noong Linggo, Philippine Time ay umangat na ang ranking niya sa International Tennis Federation (ITF).
Mula sa no. 167 ay no. 35 na ito.
Sa Women’s Tennis Association (WTA) rankings naman ay kasalukuyan itong no. 297.
Maliban sa Paris Olympics ay target din ni Eala na sumali sa Southeast Asian Games para sa Pilipinas.