Alex Gonzaga, may natutunan na aral mula sa pamamahid niya ng cake icing sa isang waiter

Alex Gonzaga, may natutunan na aral mula sa pamamahid niya ng cake icing sa isang waiter

INAMIN ni Alex Gonzaga na ang kaniyang isyu hinggil sa pamamahid ng cake icing sa isang waiter ang siyang nagbigay sa kaniya ng malalim na aral.

Aniya, natutunan niyang maging sensitive sa nararamdaman ng iba.

Natuto na rin aniya siyang maging ‘matured’ dahil dito.

Kaugnay nito, nagpapasalamat siya sa mga taong ipinagtanggol at naiintindihan siya sa mga panahong iyon.

Sobrang ‘thankful’ din niya dahil nananatiling may kumukuha pa sa kaniya para sa ilang projects sa kabila ng nabanggit na isyu.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter