NAGING successful ang all-female flight ng Blue Origin rocket noong Abril 14, 2025.
Kasama sa historical flight ang pop-music superstar na si Katty Perry, journalist and TV presenter na si Gayle King, civil activist Amanda Nguyen, former rocket scientist na si Aisha Bowem, film maker na si Kerianne Flynn at ang fiancée ng Blue Origin owner na si Lauren Sanchez.
Ayon kay Katty, ginawa niya ang flight to space para ma-inspire ang kaniyang anak na si Daisy na abutin ang kaniyang mga pangarap with no limits.
Ang flight nila Katty Perry ay nagmarka sa kauna-unahang all-female space crew mula sa makasaysayang solo flight ni Valentina Tereshkova noong Hunyo 16, 1963.
Ang Blue Origin ay isang aerospace company na founded noong year 2000, at pagmamay-ari ng billionaire, businessman at former Amazon CEO na si Jeff Bezos.
Sa pamamagitan ng pagbuo ng mura at reusable rockets, ang Blue Origin ay naglalayong gawing accessible at sustainable ang pagpunta sa outer space.