All out crackdown laban sa mga human traffickers, iniutos ng DOJ

All out crackdown laban sa mga human traffickers, iniutos ng DOJ

MAHIGPIT ang kautusan ng Department of Justice (DOJ) na palawakin ang all out crackdown at tugisin ang mga human trafficker at sagipin naman ang mga menor de edad na biktima.

Nauna diyan ay naghain ang DOJ ng patung-patong na mga kaso laban sa isang indibidwal na inilalako ang mga kabataang lalaki sa mga dayuhan kapalit ng malaking pera.

Nahaharap ngayon sa kasong qualified trafficking ang suspek na si Jhon Patrick Carmona na gumagamit ng X o dating Twitter para sa mga content ng tatlong batang lalaki.

Posible rin siyang sampahan ng karagdagang mga kaso tulad ng paglabag sa Online Sexual Abuse or Exploitation for Children at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials.

Wala namang inirekomendang piyansa para sa mga kasong kinakaharap ng suspek.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble