Alturas Group, magtatayo ng mixed-use estate sa Bohol

Alturas Group, magtatayo ng mixed-use estate sa Bohol

PLANONG magtayo ng Alturas Group of Companies ng isang mixed-use resort estate sa Panglao, Bohol.

Sa ulat, handang mag-invest ang Alturas Group ng hanggang P25-B para sa initial phase ng proyekto.

Ang development na tatawaging Panglao Shores ay itatayo sa isang 50-hectare property.

Magkakaroon ito ng 1-k residential units, 6 na hotels at resorts, 37-k square meter retail at commercial area at isang medical facility.

Isa sa mga layunin ng Panglao shores ang matugunan ang tumataas na demand para sa accommodations at hotel services sa Panglao.

Sa unang bahagi ng 2024 naman ang target nilang makumpleto ang unang hotel sa mixed-use estate.

Follow SMNI NEWS in Twitter