Social media account ng DSWD na-hack; DSWD dumulog sa NBI para magpaimbestiga

Social media account ng DSWD na-hack; DSWD dumulog sa NBI para magpaimbestiga

INANUNSYO ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na na-hack ang Facebook account ng kanilang NCR Field Office kung kaya dumulog ito sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Information and Communications Technology (DICT) upang paiimbestigahan ang nangyaring pang- hahack sa kanilang social media accounts.

Magugunita na dinagsa ang DSWD-NCR dahil sa pagpapakalat ng maling impormasyon gamit ang online platforms na nagresulta sa pagdagsa ng mga taong nais mag-aplay sa kanilang Sustainable Livelihood Program (SLP).

Ayon kay DSWD Officer-in-Charge undersecretary Eduardo Punay, wala pa silang aplikasyon sa nasabing programa at wala pang pamamahagi ng assistance ukol dito.

Dahil dito, muli namang pinaalalahanan ni Punay ang benepisyaryo ng DSWD na makipag-ugnayan muna sa kanilang tanggapan bago maniwala sa mga kumakalat na balita sa online para sa kanilang mga payouts.

Sa ngayon patuloy na iniimbestigahan at inaayos ng DSWD ang kanilang social media accounts para muling mabawi ang Facebook page ng Field Office NCR.

Follow SMNI NEWS in Twitter