Anak ni LeBron, lumagda ng endorsement deal sa Nike

Anak ni LeBron, lumagda ng endorsement deal sa Nike

LUMAGDA ang 18 taong gulang na anak ng NBA superstar na si LeBron James na si Bronny James ng endorsement deals sa Nike kasama ang iba pang amateur basketball players ayon sa Sports Apparel Company.

Si Bronny na kaka-18 pa lamang noong nakaraang Huwebes ay guard sa Sierra Canyon High School malapit sa Los Angeles kung saan naging four-time NBA champion playmaker ang ama nitong si LeBron para sa Los Angeles Lakers.

Parte si James ng marketing ni Nike para sa pinaka bago nitong sneaker na Nike LeBron 20.

Matatandaan na lumagda rin si LeBron James ng lifetime Nike deal noong 2015 matapos nitong maging ka-collaboration ang brand simula ng 18-year-old prop prospect pa lamang ito.

Sinabi rin ni James na nais niyang makalaro ang kanyang anak sa NBA bago ito magretiro sa liga.

Follow SMNI NEWS in Twitter