Anak ni SOJ Remulla, inabswelto sa drug possession case

Anak ni SOJ Remulla, inabswelto sa drug possession case

IBINASURA ng Las Piñas City Regional Trial Court ang kasong possession of illegal drugs o inabswelto nito ang anak ni Justice Secretary Crispin Remulla na si Juanito Jose Remulla III.

Batay sa 34-pahinang desisyon ni Las Piñas City RTC Branch 197 acting Presiding Judge Ricardo Moldez II ay nakasaad na abswelto ang batang Remulla dahil sa reasonable doubt o may pag-aalinlangan.

Magugunitang nakumpiskahan ang batang Remulla ng 900 gramo ng high-grade marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P1.3 milyon noong October 11, 2022 sa isang controlled delivery na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Samantala, may hiwalay pang reklamong illegal drugs importation laban sa batang Remulla na nakabinbin pa ngayon sa piskalya sa Pasay City.

Follow SMNI NEWS in Twitter