Andrea Rubio, nagsagawa ng crash course sa 2024 delegates ng pageant

Andrea Rubio, nagsagawa ng crash course sa 2024 delegates ng pageant

NAGSAGAWA ng pageant walk crash course si reigning Miss International Andrea Rubio sa mga kalahok sa 2024 edition ng pageant.

Maliban pa ito sa inspirational talks na ibinigay niya sa contestants.

Kumpara sa nakasanayan, minsan lang makikita ang reigning queens na nagbibigay ng crash course sa mga kalahok ng isang pageant kung kaya’t pribilehiyo ang mga naturuan ni Rubio.

Ang coronation night ng 2024 Miss International ay sa Nobyembre 12 sa Tokyo Dome City Hall sa Japan.

Representative ng Pilipinas dito si Angelica Lopez ng Binibining Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble