DINOMINA ni Pinay Para Swimmer Angel Otom ang 50m butterfly S5 women category sa 2023 ASEAN Para Games.
Siya ang dahilan para masungkit ng bansa ang ika-19 na gintong medalya.
Noong Hunyo 6 ay nag-ambag na rin si Otom ng gintong medalya.
Kasunod ito nang maipanalo niya ang Pilipinas sa 200 meter individual medley SM5.
Sa dalawang category, si Nguyen Thi Sari ng Vietnam naman ang pumapangalawa kay Otom.