IMINUNGKAHI ni dating Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na tingnan ang anggulo sa pag-frame up sa nasuspending BuCor Chief na si Gen. Gerald Bantag.
Ito ang inihayag ng abogado kasunod sa pahayag ni Bantag na mas gugustuhin nitong mamatay kaysa makulong dahil tatargetin lamang siya ng mga kumakalaban sa kanya.
Saad pa ni Panelo, mas nakabubuti ring alamin kung sino si Bantag na siyang gumiba sa balakid sa mga kalakaran ng criminal syndicates.
Sinabi pa ni Atty. Panelo na ang mahalaga sa ngayon ay mailabas ang hustisya at katotohanan.
Ipinunto pa ni Panelo na mas mabuti pang maabswelto ang isang may kasalanan kaysa ikulong ang isang walang kasalanan dahil ito aniya ang pinakamalaking trahedya sa buhay ng isang tao.