Walang opisyal na koordinasyon sa PNP at BuCor, hindi sana hadlang para i-secure ang lahat na Villamor sa Bilibid –NCRPO

Walang opisyal na koordinasyon sa PNP at BuCor, hindi sana hadlang para i-secure ang lahat na Villamor sa Bilibid –NCRPO

INAMIN ni acting NCRPO Chief PBGen. Jonnel C. Estomo na wala silang opisyal na koordinasyon sa Bureau of Corrections (BuCor) hinggil sa paghahanap ng itinuturong middleman ng Percy Lapid case.

Sa isang panayam, sinabi ni Estomo na mas nakabubuti sana kung nai-secure na agad ang lahat ng may apilyedong Villamor na inmate sa New Bilibid Prison (NBP).

Matatandaang iba-iba ang naging pangalan ng itinuturong middleman ng Percy Lapid case dahil sa Philippine National Police ay Crisanto ito ngunit sa Bureau of Corrections naman ay Jun.

Ang masaklap, nang mai-trace ito sa kanyang pamilya sa Leyte, Cristituto pala ang pangalan nito.

Ayon kay Estomo, normal na paiba-iba ang pangalan ng middleman dahil isa itong kriminal at natural na nagpapanggap ito.

Ang importante lang sana dito ayon kay Estomo, kahit walang opisyal na koordinasyon, nang nag-inquire sila sa BuCor hinggil sa isang inmate na may Villamor na pangalan, agaran na rin sana nilang nai-secure ang lahat ng inmate na may kaparehong apilyedo lalo na’t iniimbestigahan pa lang ang kaso ni Percy Lapid.

Nilinaw naman ni Estomo na hindi nila itinuturo na mastermind ng Percy Lapid case si suspended BuCor chief Gen. Gerald Bantag.

 

Follow SMNI News on Twitter