Anime film na “The Tunnel to Summer, The Exit of Goodbyes”, makikita na sa Pilipinas

Anime film na “The Tunnel to Summer, The Exit of Goodbyes”, makikita na sa Pilipinas

MAKIKITA na sa Pilipinas ang award-winning young adult romantic drama anime film na “The Tunnel to Summer, The Exit of Goodbyes”.

Nagsimula ito noong Nobyembre 1, 2023 sa lahat ng SM Cinemas.

Sentro sa nabanggit na anime film ang Urashima Tunnel kung saan sinasabing magkakatotoo ang lahat na pinapangarap ng isang tao kung lalakad dito.

Isang gabi matapos nagkaroon ng alitan ang bida na si Kaoru at ang kaniyang ama, naglakad-lakad ito hangga’t naabot niya ang Urashima Tunnel.

Habang nakatayo sa harap ng tunnel ay biglang naalala ni Kaoru ang kapatid nitong babae na namayapa na limang taon ang nakalipas.

Lingid din sa kaniyang kaalaman ay sinundan siya ng kaniyang kaklaseng si Anzu papunta sa Urashima Tunnel.

Nanalo na ang “The Tunnel to Summer, The Exit of Goodbyes” ng Paul Grimault Prize sa Annecy International Animation Festival.

Follow SMNI NEWS on Twitter