IBINAHAGI ni Anne Curtis na kasalukuyan itong sumasailalim sa isang acting refresher course para sa kaniyang upcoming film kasama si Erik Matti.
Kasabay na ibinahagi ni Anne sa social media account nito ang posibleng scripts ng palabas na may pamagat na “Buybust: The Undesirables”.
Maaaring isa itong sequel sa 2018 film na “Buy Bust” ni Anne kasama pa rin si Matti.
Huling sumabak sa acting si Anne taong 2019 at ang “Buybust: The Undesirables” ang kauna-unahang project ng aktres simula nang magka-anak ito.