P2-M, nalikom ni Anne Curtis mula sa Tokyo Marathon 2023

P2-M, nalikom ni Anne Curtis mula sa Tokyo Marathon 2023

KASALUKUYANG nakalikom ng 2 million pesos si Anne Curtis matapos sumali sa Tokyo Marathon.

Sinabi ni Anne na ang nalikom na pondong ito ay ilalaan para sa mga kabataan na biktima ng pang-aabuso at karahasan.

Sobrang nagpasalamat naman si Anne sa mga nagbigay ng donasyon at sinabi nitong napakalaking bagay ang kanilang pakikiisa.

Ang pagsali ni Anne sa Tokyo Marathon noong March 5, 2023 ay hakbang ng actress para suportahan ang isang fundraising initiative ng Telecpus at UNICEF Philippines.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter