NAPAKAGANDANG mga panuntunan ang nakapaloob sa anti-hazing law subalit hindi naipatutupad nang maayos sa mga paaralan.
Ito ang binigyang-diin ni National Youth Commission (NYC) Chairman Usec. Ronald Cardema sa panayam ng SMNI News.
Dahil dito, sinabi ni Cardema na palalakasin nila ang orientation hinggil dito.
Ibinahagi pa ni Cardema na hindi lang pagpapalo ang uri ng hazing.
Nakasaad sa batas na anumang uri ng physical o psychological harm o injury maging ang panghihiya, pambu-bully ay kinokonsidera na itong hazing.
May sinasabi rin si Cardema sa mga makakaliwang grupo na pilit iniuugnay ang hazing at ROTC.
Samantala, binanatan din ni Cardema ang ACT-Teachers Party-list hinggil sa tigil-pasada na ginagawa ngayon ng ilang transport groups.
Gaya ng sinabi ni Vice President Sara Duterte, aniya, suportado ng mga ito ang mga nagsagawa ng transport hike kaya balik online class tuloy ng isang linggo ang mga mag-aaral.