NAKAKUHA ng Biosphere Reserve Awardee mula sa United Nations Educational, Scientific, And Cultural Organization (UNESCO) ang Apayao province.
July 5 nang igawad ito ng UNESCO- International Coordinating Council of the Man Biosphere Program sa isang session sa Morocco.
Dahilan ng pagkilala ay ang mga hakbang na ginagawa ng Apayao para sa pagpapanatili ng kanilang mga kagubatan at kalikasan.
Maliban sa Apayao ay nauna nang nagawaran rin ng naturang pagkilala ang Albay, Palawan at Puerto Galera.