SEPSIS ang dahilan ng pagkasawi ng apo ni retail tycoon Henry Sy na si Jan Catherine Sy, 29-taong gulang.
Kinumpirma ng Sy Family ang pagpanaw ng Sy heiress, alas 6:35 kagabi, Marso 18.
“Dear Family and Friends, tonight, March 18, 2021 at 6:35 p.m., our dearest daughter Jan Catherine Sy is now with the Lord Jesus already. Blessed be the name of the LORD. You give and take away. My heart will choose to say, Lord, BLESSED BE YOUR NAME!”, ayon sa nakasaad sa pahayag ng pamilyang Sy.
Unang na-admit sa St. Luke’s Medical Center si Jan dahil sa isang impeksyon, ngunit nasawi ito sa septic shock.
Sa isang public tweet mula kay DJ Tony Toni noong Marso 14, nanawagan ito ng blood donors kung saan nangangailangan si Sy ng A+ o AB+ mula sa male donor.
Manila Friends! A Jan Catherine Sy is in septic shock right now at St. Luke’s BGC. She needs A+ or AB+ from a male blood donor. Look for her parents Henry Sy Jr. and Princess at the hospital if you need more details.
Cc: Paul Amerigo Pajo— TonyToni (@djtonytoni) March 14, 2021
Si Catherine Sy ang panganay sa tatlong anak ni Henry Sy Jr, chair ng SM Prime Holdings.
Nagtapos si Sy ng isang degree sa business at economics sa Westmount College sa Santa Barbara, California.
Naglingkod si Sy bilang assistant vice president and project director ng SM Development Corporation (SMDC).
Kilala rin si Sy bilang equestrienne at nakipagkompetensya na ito sa international events.
Matatandaan na pumanaw ang tycoon na si Henry Sy, kanyang lolo noong Enero 19, 2019.