APORs, at essential workers, makakakuha ng free rides hanggang Abril 4

SINABI ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nag-aalok ito ng free rides sa mga authorized persons outside of their residence (APORs) at essential workers.

Ito ay upang tulungan ang mga APORs at essential workers na apektado ng muling pgpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR Plus.

Sinabi ng LTFRB na ang free transport service ay magtatagal hanggang Abril 4 at sakop nito ang 44 na ruta sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Ang nasabing serbisyo ay bukas mula 4 ng madaling araw hanggang 10 ng gabi.

Ayon sa LTFRB, ang mga public vehicles ay mayroong signage na “libreng sakay para sa mga authorized persons outside residence” upang malaman ng mga indibidwal na maaaring makakuha ng libreng sakay.

Samantala, sa Sabado pa nakatakdang pag-usapan ng Inter-Agency Task Force ang isasagawang hakbang sa pagtatapos ng implementasyon ng Enhanced Community Quarantine sa NCR+ Bubble sa Abril 4.

Ayon kay Presidcential Spokesperson Harry Roque, pinag-iisipan pang mabuti ng IATF ang desisyon nito sa ipatutupad na protocol sa susunod na isa o dalawang linggo.

Muli magpupulong aniya ang IATF sa Abril 3, Black Saturday para isapinal kung ano ang mangyayari.

Dagdag ng kalihim, modified ECQ ang magiging absolute last resort kung mapagdesisyonan na palawig pa ang pagkakaroon ng mahigpit na restriction.

Una nang inihayag ng Department of Health ang pagsuporta nito sa panawagang dalawang linggong extension ng ECQ sa NCR+ Bubble.

(BASAHIN: Active COVID-19 cases sa Pilipinas, posibleng aabot sa 430-K sa katapusan ng Abril kung hindi ipatutupad ang ECQ sa rehiyon)

SMNI NEWS